Dinisenyo para maging Magiliw na Kapitbahayan

Ang Mga Kapitbahayan ng Bridgwater – na binubuo ng mga Lawa, Kagubatan, Trail at Center – ay bagong komunidad sa timong-kanlurang sulok ng Winnipeg na madaling matatagpuan malapit sa The University of Manitoba, Seasons shopping centre at maraming iba pang amenity. Mga puno, parke at mga natural na daanan na ilang milya, pambihirang arkitektura na sumasalungat sa nakaugalian at malapit at maginhawang mga amenity tulad ng mga serbisyo at pamimili, ang Bridgwater ay talagang dinisenyo para maging magiliw na kapitbahayan.

Dinisenyo para maging Magiliw na Kapitbahayan (Fall Parade of Homes 2018)

Ang Mga Kapitbahayan ng Bridgwater – na binubuo ng mga Lawa, Kagubatan, Trail at Center – ay bagong komunidad sa timong-kanlurang sulok ng Winnipeg na madaling matatagpuan malapit sa The University of Manitoba, Seasons shopping centre at maraming iba pang amenity. Mga puno, parke at mga natural na daanan na ilang milya, pambihirang arkitektura na sumasalungat sa nakaugalian at malapit at maginhawang mga amenity tulad ng mga serbisyo at pamimili, ang Bridgwater ay talagang dinisenyo para maging magiliw na kapitbahayan.

Parada ng Mga Tahanan sa Fall ng Taong 2018

Setyembre 8-Setyembre 30, 2018

Magkakaroon ang Bridgwater ng malawak na makikitang mga show home na ipapakita para sa Parada ng Mga Tahanan sa Fall ng Taong 2018. Ito ang pagkakataon mong makipag-usap sa mga gumagawa, malaman ang mga opsyon para sa disenyo, i-explore ang komunidad at malaman ang higit pang impormasyon tungkol sa susunod mong tahanan.

Mga Trail (daanan) at Mga Puno

Matatagpuan sa acre ng berdeng espasyo na may mas maraming nasa gulang nang kagubatan at mga trail para maglakad kaysa sa iba pang mga bagong subdivision ng Winnipeg, ang Bridgwater ay mayroong mahigit sa 30 km ng daanan na madaraanan ang mga puno, malalampasan ang mga palaruan at nasa tabi ng mga lawa. Ang mga nagpaplanong magbisikleta kasama ng kanilang mga anak, maglakad kasama ng aso o mag-jogging sa umaga ay hindi kaagad mauubusan ng mga bagong ruta para i-explore. Sa napakaraming daanan, ang pinakamaikling distansya sa pagitan ng mga kaibigan at kapitbahayan ay kadalasang isang nakakapagpalakas na paglalakad.

Mga Pamilya at Mga Pagkakaibigan

Mas madali na ngayong makilala ang mga kapit-bahay. Sinasalubong ka ng Bridgwater sa pamamagitan ng mga party sa komunidad, acre ng espasyo sa komunidad at pitong palaruan na matatawag mong sarili mo. Ang bawat samahan ng kapitbahayan ay pinatatakbo ng mga boluntaryo na may mahalagang tungkulin sa paggawa at pagpapanatili ng diwa ng komunidad. Inaayos at pinatatakbo nila ang mga aktibidad tulad ng Family Fun Days, Food Truck Fridays, Zumba, Yoga at Stroller Fitness para magsama-sama ang kaibigan at mga pamilya.

Pambihirang Arkitektura

Ang aming mga tagagawa ay sumusunod sa mga alituntunin ng disenyo at arkitektura, na nangangahulugan na makakakuha ka ng natatanging tahanan na gusto mo at katahimikan ng isip na may kasamang pagtiyak sa kalidad. Tinitiyak din nito ang isang komunidad ng mga tahanan na sunod sa moda at na may tradisyonal na dating. Itinayo ang mga bahay na may makasaysayang istilo kabilang ang Colonial Revival, Georgian Revival, Cape Cod, Victorian, Arts and Crafts at Country.

Malapit at Maginhawa

Ilang hakbang lang ang lahat ng kailangan mo. Ang Bridgwater Centre, na matatagpuan sa gitna ng kapitbahayan, ay mayroong mga tindahan, mga serbisyo ng restawran at marami pa. Dinisenyong maging lugar para magtipun-tipon para sa buong komunidad, itinatampok nito ang malalapad na bangketa, malalaking harapan ng tindahan, mga plaza para sa mga naglalakad na tao na may furniture sa kalye at clock tower sa gitna para gawing isang natural na lugar ang Bridgwater Center para magtipun-tipon para sa mga residente mula sa lahat ng kapitbahayan.

I-explore ang Iyong Pinapangarap na Tahanan

Makita ang kumpletong listahan ng mga show home sa Fall 2018 Parada ng Mga Tahanan.